Mga Ibat-ibang Anyo ng Lupa
Kapatagan (plains)
Ang Kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay.
Bundok (mountain)
Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at
hamak na mas mataas kaysa burol.
Bulkan (volcano)
Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkang Pinatubo.
Burol (hill)
Higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
Lambak (valley)
Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Baybayin (coast)
Bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Pulo (island)
Mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Bulubundukin (mountain range)
Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
Yungib (cave)
Mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
http://homeworks-edsci.blogspot.com/2009/09/mga-anyong-lupa.html
No comments:
Post a Comment